REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time
Salt Fertilizer para sa mga Magsasaka ng Niyog |
December 3, 2025 - 08:59 AMKatuwang ang Philippine Coconut Authority, pinagkalooban ang Bayan ng Lumban ng suplay ng asin bilang pataba para sa mga puno ng niyog. Ito ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Belen B. Raga, Pangalawang Punong Bayan Ernie R. Baldovino, at ng Municipal Agriculturist ng Lumban na si Ma’am Catherine H. Ranoco.
Patuloy ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan upang higit pang mapaunlad ang industriya ng niyog sa Lumban, at maibigay ang kinakailangang suporta sa ating mga coconut farmers.