
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time
Paghahanda sa Bagyong #Opong
October 7, 2025 - 09:23 PMSa pangunguna ng ating Punumbayan Mayor Belen Raga, ipinatawag ang isang pagpupulong kasama ang mga Kapitan ng bawat barangay upang paghandaan ang nalalapit na pagtama ng Bagyong #Opong sa ating rehiyon.
Ang nasabing pagpupulong ay naglalayong tiyakin ang kahandaan ng ating mga rescuers at ng iba pang kaukulang tanggapan upang maiwasan ang posibleng pinsala at masiguro ang kaligtasan ng bawat LumbeƱo.
Ang pagkakaroon ng maagap at maayos na paghahanda ay mahalaga upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating komunidad sa harap ng banta ng sakuna.